Tagalog Love Quotes August 27th, 2014 at 12:25AM

Tagalog Love Quotes

Tagalog Love Quotes

Kaya kong panindigan ang salitang “IKAW LANG”,basta wag mo lang akong tratuhing “WALA LANG”.

Kahit sabihin mo pang matapang at matatag ka , kapag iniwan ka ng taong binigyan mo ng halaga .. Walang duda , HINDI MO KAYA .

Balang araw , sa tamang panahon .. May isang taong magsasabi sayo kung bakit ka para sa kanya at hindi para sa iba .

Sadyang mahirap lang talagang kalimutan yung mga taong nagbibigay sayo ng magagandang alaala.

Yung taong tunay na nagmamahal sayo ay magagalit sa maraming bagay na ginagawa mo pero hinding hindi ka niya iiwan dahil lang don.

Minsan mahirap ding maging masaya, kasi sa bawat sandaling sumasaya ka, alam mong bukas o makalawa may mangyayaring hindi mo inaasahan para masaktan at lumuha ka.

Mahirap daw magmahal ng di mo madalas nakakasama ,
mahirap nga ba ?
Para sakin hindi dahil ang tunay na pag-ibig ay wala sa dalas ng pagkikita at layo ng distansya ..
Ito ay nasa TIWALA at PAG-UNAWA .

Di mo kailangan baguhin ang ugali mo para sakanya o dahil sa gusto nya. Dapat tanggapin nya kung sino ka dahil mahal ka niya.

Aaminin ko sayo, nung nakilala kita may mahal akong iba. Tulad mo hindi rin siya maalis sa isip ko. Pero wag mo isipin na minahal kita para makalimutan siya, kundi, kinalimutan ko siya para mahalin ka.

Ang mga babae isnabera yan sa una lalo pa kung di ka niya kilala. Pinakaunang huhusgahan nila ay ang inyong panlabas na anyo. Kung pano ka manamit, kung paano ka gumalaw, kung paano mag-ayos, etc. Pero kapag nakilala ka na niya… kahit isang daang tao pa ang manira sayo, handa silang ipagtanggol ka. Samantala ang mga lalaki, sa una sila malambing, gagawin ang lahat para mapansin. Papatawanin ka.. pasasayahin at susurpresahin ka nila na halos ayaw mo ng lumipas ang bawat sandali. Di man sa linalahat ko, pero karamihan sa mga lalaki habang tumatagal ang relasyon,mas nagsasawa, samantala ang mga babae mas nagmamahal.. mas napapalapit… at mas nasasanay. Kaya pagdating sa break up ang babae ang mas nasasaktan.

Tagalog Love Quotes

Kung magpapakatanga ka lang din, dun nalang sa taong mahal ka. Hndi sa taong mahal mo nga, wala namang ibang ginawa kundi ang saktan ka.

hindi ako naniniwala na may matatalinong tao na mas nakahihigit sa iba. Dahil minsan,kahit anong talino mo pa,.may isang taong darating sa buhay mo na kayang-kaya kang gawing tanga.

Minsan kailangan mong dumistansya at iwasang magparamdam para makita mo kung sino yung hahanapin ka at kung sino yung hahayaan ka 

may mga relasyong gusto mo ng tapusin pero
hindi mo alam kung paano mo sasabihin
meron namang tapos na pero hindi kapa handang tanggapin

Sa buhay marerealize natin na may dahilan Kung bakit mo nakilala ang isang tao. Yung iba dumarating para subukan ka, yung iba para gamitin ka, yung iba para turuan ka at yung iba dumarating para malaman Kung sino ka talaga. Meron mang iba na para saktan ka atleast natuto ka! Kalimutan mo yung taong hindi ka itinuring ng tama, dun ka nalang sa mga taong minamahal ka at sa mga taong nakikita kung gaano ka kahalaga.